+NAPAKITA SI HESUS SA LABING-ISA+
PAGKATAPOS, NAPAKITA SIYA SA LABING-ISA
SAMANTALANG KUMAKAIN ANG MGA ITO.
PINAGWIKAAN NIYA SILA DAHIL SA HINDI NILA
PANANALIG SA KANYA, AT SA KATIGASAN NG ULO,
SAPAGKAT HINDI SILA NANIWALA SA MGA NAKAKITA
SA KANYA PAGKATAPOS NA SIYA'Y MULING MABUHAY.
AT SINABI NI HESUS SA KANILA, "HUMAYO KAYO SA
BUONG SANLIBUTAN AT IPANGARAL NINYO SA LAHAT
ANG MABUTING BALITA.
ANG SUMASAMPALATAYA AT MABINYAGAN AY MALILIGTAS,
NGUNIT ANG HINDI SUMASAMPALATAYA AY PARURUSAHAN.
ANG MGA SUMASAMPALATAYA AY MAGTATAGLAY NG GANITONG
TANDA NG KAPANGYARIHAN: SA PANGALAN KO'Y MAGPAPALAYAS
SILA NG MGA DEMONIO AT MAGSASALITA NG IBANG WIKA;
SILA'Y HINDI MAAANO DUMAMPOT MAN NG AHAS O UMINOM
NG LASON; AT GAGALING ANG MGA MAYSAKIT NA MAPATUNGAN
NG KANILANG MGA KAMAY."
Saturday, October 24, 2009
JUAN 1:1-13
+ANG SALITA+
SA PASIMULA PA'Y NAROON NA ANG SALITA.
KASAMA NG DIOS ANG SALITA AT ANG SALITA
AY DIOS. KASAMA NA SIYA NG DIOS SA PASIMULA PA.
SA PAMAMAGITAN NIYA NILIKHA ANG LAHAT NG BAGAY,
AT WALANG ANUMANG NALIKHA NANG HINDI SA
PAMAMAGITAN NIYA. MULA SA KANYA ANG BUHAY,
AT ANG BUHAY AY SIYANG ILAW NG SANGKATAUHAN.
NAGLILIWANAG SA KADILIMAN ANG ILAW, AT HINDI
ITO KAILANMAN NAGAPI SA KADILIMAN.
SINUGO NG DIOS ANG ISANG TAO NA NAGNGANGALANG JUAN.
NAPARITO SIYA UPANG MAGPATOTOO TUNGKOL SA ILAW AT
MANALIG SA ILAW ANG LAHAT DAHIL SA PATOTOO NIYA.
HINDI SIYA ANG ILAW KUNDI NAPARITO SIYA UPANG
MAGPATOTOO TUNGKOL SA ILAW. ANG TUNAY NA ILAW
NA TUMATANGLAW SA LAHAT NG TAO AY DUMARATING
SA SANLIBUTAN. NASA SANLIBUTAN ANG SALITA.
NILIKHA ANG SANLIBUTAN SA PAMAMAGITAN NIYA
NGUNIT HINDI SIYA NAKILALA NG SANLIBUTAN.
NAPARITO SIYA SA KANYANG BAYAN NGUNIT HINDI SIYA
TINANGGAP NG KANYANG MGA KABABAYAN.
NGUNIT ANG LAHAT NG TUMANGGAP AT NANALIG SA KANYA
AY PINAGKALOOBAN NIYA NG KARAPATANG MAGING ANAK
NG DIOS. SILA NGA'Y NAGING ANAK NG DIOS, HINDI DAHIL
SA ISINILANG SILA AYON SA KALIKASAN, NI SA PITA NG LAMAN
O SA KAGAGAWAN NG TAO. ANG PAGIGING ANAK NILA AY BUHAT SA DIOS.

Monday, October 5, 2009
KAWIKAAN 1:7-19
+PAYO SA MGA KABATAANG LALAKI+
ANG PAGKATAKOT KAY YHWH AY PASIMULA NG KARUNUNGAN,
NGUNIT WALANG HALAGA SA MGA MANGMANG ANG ARAL AT
MGA SAWAY. ANAK KO, DINGGIN MO ANG ARAL NG IYONG AMA
AT HUWAG IPAGWALANG BAHALA ANG TURO NG IYONG INA,
PAGKAT ANG MGA YAO'Y PUTONG MONG UBOD GANDA,
KUWINTAS NG KARANGALAN, SAKDAL DIKIT AT WALANG KAPARA.
AKING ANAK, SAKALI MANG AKITIN KA NG MASAMA, HUWAG KANG
PAAAKAY, SILA'Y IYONG TANGGIHAN NGA.
KUNG SABIHIN NILANG, "HALIKA'T TAYO AY MAG-ABANG, BILANG
KATUWAA'Y DALUHUNGIN ANG MGA WALANG MALAY.
SILA'Y ATING DUDUMUGI'T WALANG AWANG PAPATAYIN, AT SILA
AY MATUTULAD SA PATAY NA ILILIBING.
ATING SASAMSAMIN ANG LAHAT NILANG KAGAMITAN,
BAHAY NATI'Y MAPUPUNO NG MALAKING KAYAMANAN.
HALIKA AT SA AMIN IKAW NGA AY SUMAMA, LAHAT NG
MASASAMSAM, BIBIGYAN ANG BAWAT ISA."
AKING ANAK, SA KANILA AY IWASAN MONG MAKISAMA,
UMIBA KA NG LANDAS MO, PAPALAYO SA KANILA.
ANG LAGI NILANG HANGAD, GUMAWA NG KASAMAAN,
SA TUWINA ANG BISIG AY NAKAHANDA SA PAGPATAY.
SA PAG-UUMANG NG BITAG AY WALANG MANGYAYARI,
KUNG NAKIKITA NG IBON NA IBIG MONG MAHULI.
NGUNIT HINDI NALALAMAN NG GAYONG MGA TAO,
BITAG NILA ANG SISILO SA SARILI NILANG ULO.
GANYAN ANG UUWIAN NG NABUBUHAY SA KARAHASAN,
SA GANYAN NGA MAGWAWAKAS ANG MASAMANG PAMUMUHAY.

Subscribe to:
Posts (Atom)