Wednesday, September 30, 2009

TE DEUM

TE DEUM LAUDAMUS TE DOMINUM CONFITEMUR.
TE AETERNUM PATREM OMNIS TERRA VENERATUR.
TIBI OMNES ANGELI TIBI CAELI ET UNIVERSAE POTESTATES;
TIBI CHERUBIM ET SERAPHIM INCESSABILI VOCE PROCLAMANT:
SANCTUS, SANCTUS, SANCTUS DOMINUS DEUS SABAOTH.
PLENI SUNT CAELI ET TERRA MAJESTATIS GLORIAE TUAE.
TE GLORIOSUS APOSTOLORUM CHORUS,
TE PROPHETARUM LAUDABILIS NUMERUS,
TE MARTYRUM CANDIDATUS LAUDAT EXERCITUS.
TE PER ORBEM TERRARUM SANCTA CONFITETUR ECCLESIA,
PATREM IMMENSAE MAJESTATIS:
VENERANDUM TUUM VERUM ET UNICUM FILIUM;
SANCTUM QUOQUE PARACLITUM SPIRITUM.
TU REX GLORIAE CHRISTE.
TU PATRIS SEMPITERNUS ES FILIUS.
TU AD LIBERANDUM SUSCEPTURUS HOMINEM,
NON HORRUISTI VIRGINIS UTERUM.
TU DEVICTO MORTIS ACULEO APERUISTI CREDENTIBUS
REGNA CAELORUM.
TU AD DEXTERAM DEI SEDES IN GLORIAM PATRIS.
JUDEX CREDERIS ESSE VENTURUS.
TE ERGO QUAESUMUS TUIS FAMULIS SUBVENI:
QUOS PRETIOSO SANGUINE REDEMISTI.
AETERNA FAC POPULUM TUUM, DOMINE, ET BENEDIC
HEREDITATI TUAE.
ET REGE EOS, ET EXTOLLE ILLOS USQUE IN AETERNUM.
PER SINGULOS DIES BENEDICIMUS TE.
ET LAUDAMUS NOMEN TUUM IN SAECULUM
ET IN SAECULUM SAECULI.
DIGNARE, DOMINE, DIE ISTO SINE PECCATO NOS CUSTODIRE.
MISERERE NOSTRI, DOMINE: MISERERE NOSTRI.
FIAT MISERICORDIA TUA DOMINE SUPER NOS QUEMADMODUM
SPERAVIMUS IN TE.
IN TE DOMINE SPERAVI:
NON CONFUNDAR IN AETERNUM.
BENEDICTUS ES, DOMINE, DEUS PATRUM NOSTRORUM.
ET LAUDABILIS, ET GLORIOSUS IN SAECULA.
BENEDICAMUS PATREM, ET FILIUM, CUM SANCTO SPIRITU.
LAUDEMUS, ET SUPEREXALTEMUS EUM IN SAECULA.
BENEDICTUS ES, DOMINE, IN FIRMAMENTO CAELI.
ET LAUDABILIS, ET GLORIOSUS, ET SUPEREXALTATUS IN SAECULA.
BENEDIC, ANIMA MEA, DOMINO.
ET NOLI OBLIVISCI OMNES RETRIBUTIONES EIUS.
DOMINE, EXAUDI ORATIONEM MEAM.
ET CLAMOR MEUS AD TE VENIAT.
DOMINUS VOBISCUM.
ET SPIRITU TUO.

ORATIO:
DEUS, CUIUS MISERICORDIAE NON EST NUMERUS,
ET BONITATIS INFINITUS EST THESAURUS:
PIISSIMAE MAJESTATI TUAE PRO COLLATIS DONIS
GRATIAS AGIMUS, TUAM SEMPER CLEMENTIAM
EXORANTES; UT QUI PETENTIBUS POSTULATA
CONCEDIS, EOSDEM NON DESERENS, AD PRAEMIA
FUTURA DISPONAS.
DEUS, QUI CORDA FIDELIUM SANCTI SPIRITUS
ILLUSTRATIONE DOCUISTI:
DA NOBIS IN EODEM SPIRITU RECTA SAPERE;
ET DE EIUS SEMPER CONSOLATIONE GAUDERE.
DEUS, QUI NEMINEM IN TE SPERANTEM NIMIUM
AFFLIGI PERMITTIS, SED PIUM PRECIBUS PRAESTAS
AUDITUM: PRO POSTULATIONIBUS NOSTRIS,
VOTISQUE SUSCEPTIS GRATIAS AGIMUS,
TE PIISSIME DEPRECANTES; UT A CUNCTIS SEMPER
MUNIAMUR ADVERSIS. PER GHRISTUM DOMINUM
NOSTRUM. AMEN.

Thursday, September 24, 2009

MATHEO 13:44, 45-46, 51-52

+ANG NATATAGONG KAYAMANAN+

"ANG PAGHAHARI NG DIOS AY KATULAD NG KAYAMANANG
NAKABAON SA ISANG BUKID. NAHUKAY ITO NG ISANG TAO
AT TINABUNAN ULI. SA LAKI NG TUWA, SIYA'Y HUMAYO
AT IPINAGBILI ANG LAHAT NG ARI-ARIAN NIYA AT BINILI
ANG BUKID NA IYON."

+ANG PERLAS NA MAHALAGA+

"GAYON DIN NAMAN, ANG PAGHAHARI NG DIOS
AY KATULAD NITO: MAY ISANG MANGANGALAKAL
NA NAGHAHANAP NG MAMAHALING PERLAS.
NANG MAKAKITA NG ISANG PERLAS NA NAPAKAHALAGA,
SIYA'Y HUMAYO AT IPINAGBILI ANG LAHAT NG
KANYANG ARI-ARIAN AT BINILI IYON."

+KAYAMANANG BAGO AT LUMA+

"NAUUNAWAAN NA BA NINYO ANG LAHAT NG ITO?"
TANONG NI HESUS. "OPO," SAGOT NILA.
AT SINABI NIYA SA KANILA, "KAYA NGA, ANG BAWAT
ESCRIBA NA KUMIKILALA SA PAGHAHARI NG DIOS
AY TULAD NG ISANG PUNO NG SAMBAHAYAN NA
KUMUKUHA NG MGA BAGAY NA BAGO AT LUMA SA
KANYANG TAGUAN."

Friday, September 18, 2009

KAWIKAAN 13

ANG ANAK NA MAY UNAWA'Y NAKIKINIG SA KANYANG AMA.
NGUNIT WALANG HALAGA SA PALALO ANG PAALALA SA KANYA.
NATATAMO NG MABUTI ANG BUNGA NG KANYANG KABAITAN,
NGUNIT NALALASAP NG MASAMA ANG DULOT NG KARAHASAN.
ANG MAINGAT MAGSALITA AY NAG-IINGAT NG KANYANG
BUHAY, NGUNIT ANG MAY MATABIL NA DILA'Y NASASADLAK
SA KAPAHAMAKAN. ANG TAMAD AY NANGANGARAP NGUNIT
HINDI NATUTUPAD, ANG HANGARIN NG MASIKAP AY LAGING
NAGAGANAP. ANG TAONG MATUWID AY NAMUMUHI SA
KASINUNGALINGAN, NGUNIT ANG SALITA NG MASAMA AY
NAKAHIHIYANG PAKINGGAN. ANG MABUTI'Y INIINGATAN
NG KANYANG KABAITAN, NGUNIT ANG MASAMA'Y
IPINAPAHAMAK NG LIKONG PAMUMUHAY.
MAY TAONG NAGKUKUNWANG MAYAMAN SUBALIT WALA NAMAN,
NGUNIT ANG IBA'Y NAG-AAYOS MAHIRAP BAGAMAN SILA
AY MAYAMAN. ANG YAMAN NG ISANG TAO AY PANTUBOS
SA KANYANG BUHAY, NGUNIT ANG MAHIRAP AY WALANG
PAMBAYAD SA KALAYAAN. ANG MATUWID AY TULAD NG
MANINGNING NA ILAW, NGUNIT ANG MASAMA AY TILA
LAMPARANG NAMAMATAY. ANG KAPALALUAN AY NAGBUBUNGA
NG KAGULUHAN, NGUNIT ANG PAKIKINIG SA PAYO'Y
NAGBABADYA NG KATALINUHAN. ANG YAMANG TINAMO SA DAYA
AY MADALING NAWAWALA, NGUNIT ANG YAMANG PINAGHIRAPAN
AY PINAGPAPALA. ANG MATAGAL NA PAGHIHINTAY AY
NAGPAPAHINA NG KALOOBAN, NGUNIT ANG PANGARAP NA
NATUPAD AY MAY DULOT NA KASIYAHAN.
ANG NAGWAWALANG-BAHALA SA PAYO AY HAHANTONG
SA KAPAHAMAKAN, NGUNIT ANG NAGPAPAHALAGA SA UTOS
AY GAGANTIMPALAAN. ANG MGA TURO NG MATALINO AY
BUKAL NG TUBIG NG BUHAY, ITO AY MAGLALAYO SA BITAG
NG KAMATAYAN. ANG MABUTING PAG-UNAWA AY UMAAKIT
NG KALOOBAN, NGUNIT ANG KATAKSILAN AY NAGHAHATID
SA KAPAHAMAKAN. ANG KATALINUHAN NG ISANG TAO'Y
NAKIKITA SA KANYANG GAWA, SA KILOS AY NAKIKILALA
ANG TAONG WALANG UNAWA. ANG MASAMANG TAGAPAGBALITA
AY LUMILIKHA NG KAGULUHAN, NGUNIT ANG MABUTING
TAGAPAMAGITANAY LUMULUTAS NG ALITAN.
KAHIHIYAN ANG KASASADLAKAN NG HINDI NAKIKINIG
NG SAWAY, NGUNIT ANG TUMATANGGAP NG PAYO AY MAG-AANI
NG KARANGALAN. ANG PANGARAP NA NATUPAD AY MAY DULOT
NA LIGAYA, NGUNIT AYAW IWAN NG MASAMA ANG KASAMAAN NIYA.
ANG NAKIKISAMA SA MAY UNAWA AY MAGIGING MATALINO,
NGUNIT ANG KASAMA NG MANGMANG AY MASUSUONG SA GULO.
ANG HINAHARAP NG MASAMA AY KAHIRAPAN SA BUHAY,
NGUNIT SAGANA ANG BIYAYANG SA MATUWID NAGHIHINTAY.
ANG MATUWID AY NAG-IIWAN NG PAMANA HANGGANG SA
KAAPU-APUHAN, AT SA MATUWID NAUUWI ANG NATIPON
NG ISANG MANGMANG. ANG TIWANGWANG NA BUKID AY MAY
PANGAKONG KASAGANAAN, NGUNIT HUMAHADLANG ANG MASAMA
PARA ITO AY MABUNGKAL. ANG MAPAGMAHAL NA MAGULANG
AY DAPAT MAGPARUSA SA ANAK, PAGKAT ANG SUPLING NA
MINAMAHAL AY DAPAT ITUWID ANG LANDAS. ANG MATUWID
AY SAGANA SA LAHAT NG KAILANGAN, NGUNIT ANG MASAMA
AY LAGI NANG NAGKUKULANG.

Thursday, September 17, 2009

JOB 14

+MAIKLI ANG BUHAY NG TAO+

"ANG BUHAY NG TAO'Y MAIKLI AT BATBAT NG HIRAP,
NATUTUYONG PARANG DAMO, NAMUMUKADKAD PARANG
BULA, PARANG ANINONG LUMILIPAS.
ANG GAYON BANG TAO'Y IYONG MINAMASDAN UPANG
IHARAP SA IYONG HUKUMAN?
MAYROON BANG MALINIS NA LILITAW MULA SA TAONG
MARUMI?
SA SIMULA PA'Y MAY TAKDA NA ANG KANYANG ARAW,
KUNG GAANO KAHABA ANG ITATAGAL NG KANYANG
BUHAY, NILAGYAN MO SIYA NG HANGGANAN, DI NIYA
ITO MALALAMPASAN.
LUBAYAN MO NA SIYA AT IWANG NAG-IISA,
UPANG LIGAYA SA GITNA NG HIRAP AY KANYANG MADAMA.

"PAGKAT ANG KAHOY MAN AY MAY PAG-ASA, KAHIT PUTULIN,
ITO AY MAGSASANGA. KAHIT NA ANG UGAT NITO AY MATANDA
NA, AT MAMATAY ANG PUNO SA KINATATAMNAN NIYA, KAPAG
ITO AY NADILIG MAGSUSUPLING KAPAGDAKA.
NGUNIT ANG TAO, PAGKAMATAY AY LUBOS NA NAPAPARAM,
PAGKALAGOT NG HININGA'Y MAPUPUNTA KAYA SAAN?

"DARATING ANG ARAW, ANG ILOG AY TITIGIL SA PAG-AGOS,
AT ANG DAGAT AY MATUTUYONG LUBOS.
NGUNIT, ANG TAO KAPAG NAMATAY AY DI NA MAGBABANGON
HANGGA'T MAY KALANGITAN. IBIG KO PANG MALIBING NA
NANG BUHAY HANGGANG SA ANG POOT MO'Y MAPAWING
LUBUSAN, BAGO MO GUNITAIN ANG AKING KALAGAYAN.
KUNG MAMATAY ANG TAO, SIYA KAYA'Y MABUBUHAY?
NGUNIT SA GANANG AKIN, AKO'Y MAGHIHINTAY,
HANGGANG SA ANG ARAW NG KAHIRAPAN AY MAPARAM.
SA ARAW NA YAON, KAPAG IKAW AY TUMAWAG SA ABANG
LINGKOD MO, IKAW AY MAGAGALAK. KUNG MAGKAGAYON,
BAWAT HAKBANG KO'Y IYONG BABANTAYAN, DI MO NA
SISILIPIN ANG AKING KASALANAN. ANG MGA KASALANAN
KO'Y IYONG IPATATAWAD, LAHAT KONG KASAMAA'Y
PAPAWIING LAHAT.

"DARATING ANG ARAW NA GUGUHO ANG KABUNDUKAN,
NAGLALAKIHANG BATO'Y MALILIPAT NG LUGAR,
MGA BATONG ITO SA TUBIG AY NAAAGNAS,
ANG LUPA NG DAIGDIG SA BAHA AY NATITIBAG,
GAYON ANG PAG-ASA NG TAO, PAG NASIRA AT WINASAK.
NILULUPIG MO ANG TAO AT TULUYANG ILALAYO,
NAGMUMUKHANG BANGKAY SIYA SA KANYANG ANYO.
ANAK MAN NIYA'Y PARANGALAN, HINDI NA RIN NALALAMAN
KUNG TAMUHI'Y KAHIHIYAN. ANG KANYA LANG NADARAMA
AY ANG HIRAP NG KATAWAN, ANG LAGI NG NASA ISIP AY
ANG KANYANG KALUNGKUTAN."

PANALANGIN

DEUS OMNIPOTENTEM IN CIELO ET TERRA
AKO'Y PATNUBAYAN SA LAHAT NG BAGAY
ET VISIBILIS ET INVISIBILIS. BENDISYUNAN
MO AKO UPANG ANG AKING GAWAIN AT
KAISIPAN AY LAGING MAAYOS SA PANINGIN
AT PANDINIG NG AKING KAPWA TAO.
ANG NAIS MO ANG SIYANG MANGYAYARI
AT HINDI ANG AKING KAGUSTUHAN.
AKO'Y NANANALANGIN NA ANG KAILANGAN
KO DITO SA LUPA AY IYONG DINGGIN AT
IPAGKALOOB ANG AWA SA ARAW-ARAW. AMEN.

CONFITEOR DEUS OMNIPOTENTEM BEATE MARIAE SEMPER VIRGINI
BEATO SANCTE MICAEL ARCANGEL BEATO IOANNI BAPTISTE
SANCTUS APOSTOLES PETRO ET PAULO OMNIBUS SANCTIS
ET VOBIS FRATRES ET TIBI PATER QUIA PECCAVI NIMIS COGITATIONE
VERBO ET OPERA: MEA CULPA MEA CULPA MEA MAXIMA CULPA.
IDEO PRECOR BEATAM MARIAM SEMPER VIRGENEM
BEATUM MICAEL ARCANGEL BEATUM IOANNEM BAPTISTAM
SANCTUS APOSTOLES PETRO ET PAULO OMNES SANCTUS
ET VOS FRATRES ET TE PATER ORARE PRO ME AD DOMINUM DEUM. AMEN.

VENI CREATOR

VENI CREATOR SPIRITUS MENTES TUORUM VISITA:
IMPLE SUPERNA GRATIA QUAE TU CREASTI PECATORA.
QUI DISCERIS PARACLITUS ALTISSIMI DONUM DEI
FONS VIVUS IGNIS CARITAS ET SPIRITALIS UNCTIO.
TU SEPTIFORMIS MUNERE DIGITUS PATERNAE DEXTERAE.
TU RITE PROMISSUM PATRIS SERMONE DITANS GUTTURA.
ACCENDE LUZ SENSIBUS INFUNDE AMOREM CORDIBUS.
INFIRMA NOSTRI CORPORIS VIRTUTE FIRMANS PERPETI.
HOSTEM REPELLAS LONGUIS PACEMQUE DONES PROTINUS
DUCTORE SIC TE PRAEVIO VITEMUS OMNE NOXIUM.
PER TE SCIAMUS DA PATREM NOSCAMUS ATQUE FILIUM
TEQUE UTRIUSQUE SPIRITUM CREDAMUS OMNI TEMPORE.
DEO PATRI SIT GLORIAM ET FILIO QUI A MORTUIS
SURREXIT AC PARACLITO IN SAECULORUM SAECULA. AMEN.

V.EMITTE SPIRITUM ET CREABUNTUR.
R.ET RENOVABIS FACIEM TERRAE.

ORATIO.
DEUS QUI CORDA FIDELIUM SANCTI ILLUSTRATIONE DOCUISTI
DA NOBIS IN EODEM SPIRITU RECTA SAPERE ET DE EIUS SEMPER
CONSOLATIONE GAUDERE. PER CHRISTUM DOMINUM NOSTRUM.
AMEN.

Wednesday, September 16, 2009

PROPHETA ISIAS 11

+ANG MAPAYAPANG KAHARIAN+

ANG PAGHAHARI NG ANGKAN NI DAVID AY NALAGOT
NA PARANG PUNONGKAHOY NA NAPUTOL. NGUNIT SA
LAHI NIYA'Y LILITAW ANG ISANG HARI, TULAD NG
SUPLING MULA SA ISANG TUOD. MANANAHAN SA KANYA
ANG SPIRITU NI YHWH, BIBIGYAN SIYA NG KATALINUHAN
AT PAGKAUNAWA, NG KAALAMAN AT KAPANGYARIHAN,
NG KARUNUNGAN AT TAKOT SA PANGINOON.
KAGALAKAN NIYA ANG TUMALIMA KAY YHWH.
HINDI SIYA HAHATOL AYON SA NAKIKITA O BATAY SA
NARINIG SA IBA. BIBIGYAN NIYA NG KATARUNGAN
ANG MGA DUKHA, IPAGTATANGGOL ANG KARAPATAN NG
MGA KAWAWA. ANG SALITA NIYA'Y PARANG TUNGKOD
NA IPAPALO SA MALULUPIT, ANG HATOL NIYA'Y KAMATAYAN
SA MASASAMA. KATARUNGAN AT KATAPATAN ANG PAIIRALIN
NIYA SA KANYANG PAMAMAHALA.
MANINIRAHAN ANG ASONG-GUBAT SA PILING NG KORDERO,
MATUTULOG ANG LEOPARDO SA TABI NG BATANG KAMBING,
MAGSASAMA ANG GUYA AT ANG BATANG LEON, AT ANG MAG-
AALAGA SA KANILA'Y BATANG PASLIT. ANG BAKA AT ANG
OSO'Y MAGKASAMANG MANGINGINAIN, ANG MGA ANAK
NILA'Y MAGKAKATABING MATUTULOG, KAKAIN NG DAMO
ANG LEON NA ANIMO'Y TORO. MAGLALARO ANG BATANG
PASUSUHIN SA TABI NG LUNGGA NG AHAS, HINDI MAAANO
ANG BATA KAHIT LARUIN ANG ULUPONG.
WALANG MANANAKIT O MAMIMINSALA SA NASASAKLAW
NG BANAL NA BUNDOK; SAPAGKAT KUNG PAANONG PUNO
NG TUBIG ANG KARAGATAN, LAGANAP SA BUONG LUPAIN
ANG PAGKILALA KAY YHWH.
SA ARAW NA IYON, ISISILANG ANG HARI MULA SA LAHI
NI DAVID, ANG MAGIGING PALATANDAAN PARA SA MGA
BANSA. ANG MGA BAYA'Y TUTUNGO SA BANAL NA LUNSOD
UPANG PARANGALAN SIYA. SA ARAW NA IYON, MINSAN
PANG KIKILOS ANG PANGINOON UPANG PAUWIIN ANG
MGA NALABI SA KANYANG BAYAN, ANG MGA NALABI SA
MGA BIHAG NA NASA ASIRIA AT SA EGYPTO, SA PATROS,
SA ETHIOPIA AT SA ELAM, SA SINAR, SA HAMAT AT SA
MGA PULO SA KARAGATAN. MAGBIBIGAY SIYA NG ISANG
PALATANDAAN SA MGA BANSA, AT TITIPUNIN NIYA ANG
MGA ANAK NINA ISRAEL AT JUDA NA ITINAPON SA IBANG
LUPAIN. PAUUWIIN ANG MGA NANGALAT NA ANAK NI JUDA
MULA SA APAT NA SULOK NG DAIGDIG. MAPAPAWI NA ANG
PANANAGHILI NG ISRAEL AT MAPUPUKSA ANG MGA
KAAWAY NG JUDA, HINDI NA MAIINGIT ANG ISRAEL SA
JUDA, AT HINDI NA KAKALABANIN NG JUDA ANG ISRAEL.
LULUSUBIN NILA ANG MGA PHILISTEO SA KANLURAN
AT SAMA-SAMA NILANG SASAMSAMAN ANG MGA BANSA
SA SILANGAN; MASASAKOP NILA ANG EDOM AT MOAB,
PASUSUKUIN NILA ANG MGA AMMONITA.
TUTUYUIN NI YHWH ANG DAGAT NG EGYPTO SA PAMAMAGITAN
NG MATINDING INIT. ANG MATITIRA LANG AY PITONG
MALILIIT NA SAPA NA MATATAWID NG MGA TAO.
SA GAYON MAY DARAAN MULA SA ASIRIA ANG MGA NATIRA
SA KANYANG BAYAN, KUNG PAANONG ANG ISRAEL AY
MAY NADAANAN NANG SILA'Y UMALIS SA EGYPTO.

ROMA 6:3-4, 6-11

+PATAY SA KASALANAN NGUNIT BUHAY DAHIL KAY KRISTO+

HINDI BA NINYO NALALAMAN NA TAYONG LAHAT NA
NABAUTISMUHAN KAY KRISTO HESUS AY NABAUTISMUHAN
SA KANYANG KAMATAYAN?
SAMAKATWID, TAYO'Y NAMATAY AT NALIBING NA KASAMA
NIYA SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO UPANG KUNG
PAANONG BINUHAY NA MULI SI KRISTO SA PAMAMAGITAN
NG DAKILANG KAPANGYARIHAN NG AMA, TAYO NAMA'Y
MABUHAY SA ISANG BAGONG PAMUMUHAY.

ALAM NATIN NA ANG DATI NATING PAGKATAO AY IPINAKONG
KASAMA NIYA UPANG MAMATAY ANG MAKASALANANG
KATAWAN AT NANG HINDI NA TAYO MAALIPIN PA NG
KASALANAN. NGUNIT TAYO'Y NANINIWALANG MABUBUHAY
TAYONG KASAMA NI KRISTO KUNG NAMATAY TAYONG
KASAMA NIYA. ALAM NATING SI KRISTO NA MULING
BINUHAY AY HINDI NA MULING MAMAMATAY.
WALA NANG KAPANGYARIHAN SA KANYA ANG KAMATAYAN.
NANG SIYA'Y MAMATAY, NAMATAY SIYA NANG MINSANAN
PARA SA KASALANAN, AT ANG BUHAY NIYA NGAYO'Y
PARA SA DIOS. KAYA DAPAT NINYONG IBILANG ANG INYONG
SARILI NA PATAY NA SA KASALANAN DATAPWAT BUHAY
NAMAN PARA SA DIOS SA INYONG PAKIKIPAG-ISA KAY KRISTO HESUS.

ROMA 1:16-17

+ANG KAPANGYARIHAN NG MABUTING BALITA+

HINDI KO IKINAHIHIYA ANG MABUTING BALITA
TUNGKOL KAY HESUKRISTO, SAPAGKAT ITO ANG
KAPANGYARIHAN NG DIOS SA IKALILIGTAS NG
BAWAT NANANAMPALATAYA - UNA'Y SA MGA
JUDIO AT GAYON DIN SA MGA GRIEGO.
INIHAHAYAG NITO NA ANG PAGPAPAWALANG-SALA
NG DIOS SA MGA TAO AY NAGSISIMULA SA PANANAMPALATAYA,
AT NAGIGING GANAP SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA.
AYON SA NASUSULAT, "ANG PINAWALANG-SALA SA PAMAMAGITAN
NG PANANAMPALATAYA AY MABUBUHAY."

Sunday, September 13, 2009

PROPHETA ZACARIAS 3

+ANG PANGITAIN TUNGKOL KAY JOSUE+

IPINAKITA SA AKIN NI YHWH ANG PUNONG SACERDOTENG SI JOSUE.
NAKATAYO ITO SA HARAPAN NG ANGHEL NI YHWH AT ISASAKDAL NI
SATANAS NA NOO'Y NASA KANYANG KANAN. SINABI NG ANGHEL KAY
SATANAS, "PARUSAHAN KA NAWA NI YHWH NA HUMIRANG SA
JERUSALEM. ANG TAONG 'YAN AY ISA SA MGA INILIGTAS NIYA."
SI JOSUE NGA AY NAKATAYO SA HARAPAN NG ANGHEL, MARUMI
ANG KANYANG DAMIT. SINABI NG ANGHEL SA MGA NAROON,
"HUBARIN ANG GULANIT NIYANG KASUUTAN."
BUMALING SIYA KAY JOSUE AT SINABI, "NILINIS NA KITA SA IYONG
KASAMAAN AT NGAYO'Y BIBIHISAN NG MAGARANG KASUUTAN."
BUMALING ULI ANG ANGHEL SA KANYANG INUTUSAN AT SINABI,
"SUUTAN MO SIYA NG MALINIS NA TURBANTE."
GAYON NGA ANG GINAWA NITO. AT BINIHISAN NILA SI JOSUE
HABANG NAKAMASID ANG ANGHEL NI YHWH.
PAGKATAPOS, SI JOSUE AY TINAGUBILINAN NG ANGHEL NI YHWH.
ITO ANG IPINASASABI NI YHWH: "KUNG LALAKAD KA SA AKING
MGA LANDAS AT IYONG SUSUNDIN ANG MGA UTOS KO, IKAW ANG
PAMAMAHALAIN KO SA AKING TEMPLO AT SA BUONG PALIGID NITO.
BUKOD DOON, DIRINGGIN KO ANG MGA DALANGIN MO TULAD NG
PAGDINIG KO SA DALANGIN NG MGA ANGHEL NA ITO.
JOSUE, MAKINIG KA: IKAW AT ANG MGA KATULONG MONG SACERDOTE
AY LARAWAN NG MGA PANGYAYARI SA HINAHARAP.
PALILITAWIN KO NA ANG AKING LINGKOD, ANG SUPLING.
AT ANG BATONG IBIBIGAY KO SA IYO, ANG BATONG MAY PITONG SINAG,
AT TATABASIN UPANG GUMANDA. AT SA LOOB NG ISANG ARAW,
LILINISIN KO ANG KASAMAAN NG BUONG LUPAIN.
SA ARAW NA YAON, AANYAYAHAN NG BAWAT ISA SA INYO ANG
KANYANG KAIBIGAN UPANG MAGSAMA-SAMA SA UBASAN NINYO
AT SA ILALIM NG INYONG PUNONG IGOS."

JAM LUCIS ORTO SIDERE

JAM LUCIS ORTO SIDERE, DEUM PRECEMUR SUPLICES,
UT IN DIURNUS ACTIBUS NOS SERVET A NOCENTIBUS.
LINGUAM REFREANANS TEMPERET NE LITIS HORROR INSONET:
VISUM FOVENDO CONTEGAT, NE VANITATES HAURIAT.
SINT PURA CORDIS INTIMA, ABSISTAT ET VECORDIA;
CARNIS TERAT SUPERBIAM POTUS CIBIQUE PARCITAS.
UT CUM DIES ABSCESSERIT, NOCTEMQUE SORS REDUXERIT,
MUNDI PER ABSTINENTIAM, IPSI CANAMUS GLORIAM.
DEO PATRI SIT GLORIAM, EJUSQUE SOLI FILIO,
CUM SPIRITU PARACLITO, NUNC ET PER OMNE
SAECULUM. AMEN.

LITANIA DE SAN JOSE

KYRIE ELEISON.
CHRISTE ELEISON.
KYRIE ELEISON.
CHRISTE AUDI NOS.
CHRISTE EXAUDI NOS.

PATER DE CELIS DEUS, MISERERE NOBIS.
FILI REDEMPTOR MUNDI DEUS, MISERERE NOBIS.
SPIRITUS SANCTE DEUS, MISERERE NOBIS.
SANCTA TRINITAS UNUS DEUS, MISERERE NOBIS.

SANCTA MARIA, ORA PRO NOBIS.
SANCTE JOSEPH, ORA PRO NOBIS.
PROLES DAVID INCLYTA, ORA PRO NOBIS.
LUMEN PATRIARCHARUM, ORA PRO NOBIS.
DEI GENITRICIS SPONSE, ORA PRO NOBIS.
CUSTOS PUDICE VIRGINIS, ORA PRO NOBIS.
FILII DEI NUTRITIE, ORA PRO NOBIS.
CHRISTI DEFENSOR SEDULE, ORA PRO NOBIS.
ALMAE FAMILIAE PRAESES, ORA PRO NOBIS.
JOSEPH JUSTISSIME, ORA PRO NOBIS.
JOSEPH CASTISSIME, ORA PRO NOBIS.
JOSEPH PRUDENTISSIME, ORA PRO NOBIS.
JOSEPH FORTISSIME, ORA PRO NOBIS.
JOSEPH OBEDIENTISSIME, ORA PRO NOBIS.
JOSEPH FIDELISSIME, ORA PRO NOBIS.
SPECULUM PATIENTIAE, ORA PRO NOBIS.
AMATOR PAUPERTATIS, ORA PRO NOBIS.
EXEMPLAR OPIFICUM, ORA PRO NOBIS.
DOMESTICAE VITAE DECUS, ORA PRO NOBIS.
CUSTOS VIRGINUM, ORA PRO NOBIS.
FAMILIARUM COLUMEN, ORA PRO NOBIS.
SOLATIUM MISERORUM, ORA PRO NOBIS.
SPES AEGROTANTIUM, ORA PRO NOBIS.
PATRONE MORIENTIUM, ORA PRO NOBIS.
TERROR DAEMONUM, ORA PRO NOBIS.
PROTECTOR SANCTE ECCLESIAE, ORA PRO NOBIS.

AGNUS DEI QUI TOLLIS PECCATA MUNDI, PARCE NOBIS DOMINE.
AGNUS DEI QUI TOLLIS PECCATA MUNDI, EXAUDI NOS DOMINE.
AGNUS DEI QUI TOLLIS PECCATA MUNDI, MISERERE NOBIS DOMINE.

CONSTITUIT EUM DOMINUM DOMUS SUAE.
ET PRINCIPIUM OMNIS POSSESSIONIS SUAE.

ORATIO:
DEUS QUI INEFFABILI PROVIDENTIA BEATUM JOSEPH
SANCTISSIMAE GENITRICIS TUAE SPONSUM ELIGERE
DIGNUS ES; PRAESTA QUAESUMUS UT QUEM PROTECTOREM
VENERAMUR IN TERRIS INTERCESSORUM HABERE
MEREAMUR IN CELIS:
QUI VIVIS ET REGNAS IN SAECULA SAECULORUM. AMEN.

+PANALANGIN NG ORACION KAY SAN JOSE+

VIRGINUM CUSTOS ET PATER, SANCTE IOSEPH,
CUJUS FIDELI CUSTODIAE IPSA INNOCENTIA,
CHRISTUS JESUS ET VIRGO VIRGINUM MARIA
COMMISSA FUIT; TE PER HOC UTRUMQUE
CARISSIMUM PIGNUS IESUM ET MARIAM OBSECRO
ET OBTESTOR, UT ME, AB OMNI IMMUNDITIA
PRAESERVATUM, MENTE INCONTAMINATA,
PURO CORDE ET CASTO CORPORE IESU ET MARIAE
SEMPER FACIAS CASTISSIME FAMULARI. AMEN.

SAN JOSE PATER SALVATORE SALVAME.

Monday, September 7, 2009

PROPHETA JEREMIAS 51:20-23, 51:36-40

+ANG MARTILYO NI YHWH+

IKAW ANG AKING MARTILYO AT SANDATANG PANDIGMA;
SA PAMAMAGITAN MO'Y IBABAGSAK KO ANG MGA KAHARIAN.
SA PAMAMAGITAN MO'Y AKING LILIPULIN ANG KABAYO
AT ANG SAKAY, ANG LALAKI AT ANG BABAE,
ANG BATA AT ANG MATANDA,
ANG BINATA AT ANG DALAGA,
ANG PASTOL AT ANG KAWAN,
ANG NAG-AARARO AT ANG TUWANG NA MGA BAKA,
ANG MGA TAGAPAMAHALA AT ANG MGA KINATAWAN.

+TUTULUNGAN NI YHWH ANG ISRAEL+

KAYA'T SINASABI NI YHWH SA JERUSALEM,
"IPAKIKIPAGLABAN KITA AT IPAGHIHIGANTI.
TUTUYUIN KO ANG KANYANG DAGAT AT BUKAL.
WAWASAKIN KO ANG BABILONIA.
ITO'Y PANANAHANAN NA LANG NG MGA CHAKAL,
MAGIGING ISANG KATATAKUTAN AT TAMPULAN
NG PAG-UYAM. WALA NA RING MANINIRAHAN DOON.
SILA'Y UUNGAL NA PARANG MGA LEON.
HABANG SILA'Y UMIINIT, IPAGHAHANDA KO SILA,
HANGGANG MAWALAN SILA NG ULIRAT,
MAHIMBING HABANG PANAHON,
AT HINDI NA MAGISING." DADALHIN KO SILANG
GAYA NG MGA KORDERO PATUNGO SA PATAYAN,
AT GAYA RIN NG MGA LALAKING TUPA AT
BARAKONG KAMBING.

PROPHETA ISIAS 44:21-28

+ANG TAGAPAGLIGTAS NG ISRAEL+

SINABI NI YHWH, "TANDAAN MO, ISRAEL, KAYO'Y MGA LINGKOD
KO NA AKING NILALANG; HINDI KO KAYO MALILIMUTAN.
ANG PAGKAKASALA MO'Y PINALIS KO NA, NAPAWING ULAP
ANG NAKAKAPARA; IKAW'Y MANUMBALIK YAMANG TINUBOS
NA'T PINALAYA KITA.
MAGDIWANG KAYO, KALANGITAN, GAYON DIN ANG KALALIMAN;
UMAWIT KAYO, MGA BUNDOK AT KAGUBATAN, PAGKAT NAHAYAG
ANG KAPANGYARIHAN NI YHWH NANG ILIGTAS NIYA ANG ISRAEL.

AKONG SI YHWH, NA IYONG TAGAPAGLIGTAS,
ANG LUMIKHA SA'YO, AKO ANG LUMIKHA NG
LAHAT NG BAGAY. AKO LAMANG ANG MAG-ISA
ANG NAGLADLAD NITONG KALANGITAN,
AT NAG-IISA RING LUMIKHA NG SANLIBUTAN.

AKING BINIBIGO ANG MGA SINUNGALING NA PROPHETA
AT ANG NANGHUHULA; ANG MGA MARUNONG AY GINAGAWANG
MANGMANG, AT ANG DUNONG NILA'Y WINAWALANG SAYSAY.
NGUNIT YAONG HULA NG MGA LINGKOD KO'Y PAWANG
NAGAGANAP, AT ANG MGA PAYO NG AKING MGA SUGO
AY NATUTUPAD; AKO ANG MAY SABING DARAMI ANG TAO
NITONG JERUSALEM, ANG MGA GUMUHONG LUNSOD
NITONG JUDA AY MULING ITATAYO.

SA ISANG SALITA KO'Y NATUTUYO ANG KARAGATAN.
ANG SABI KO KAY CIRO, 'IKAW ANG GAGAWIN KONG HARI.
SUSUNDIN MO ANG LAHAT NG IPAGAWA KO SA IYO.
ANG JERUSALEM AY MULI MONG IPATATAYO,
GAYUN DIN ANG TEMPLO.' "

MANGANGARAL 8:2-17

+SUNDIN ANG HARI+

SUNDIN MO ANG UTOS NG HARI, AT HUWAG
PADALUS-DALOS SA PAGBIBITIW NG PANGAKO
SA DIOS. LUMAYO KA SA HARAP NG HARI
AT HUWAG MONG IPAGPIPILITAN ANG ANUMANG
LABAG SA KALOOBAN NIYA PAGKAT MAAARI
NIYANG GAWIN ANG MAGUSTUHAN NIYA.
ANG UTOS NG HARI AY DI MABABALI AT WALANG
MAKATUTOL SA ANUMANG GAWIN NIYA.
ANG MASUNURIN AY DI MAPAPAHAMAK AT ALAM
NG MATALINO KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN,
KUNG KAILAN, AT PAANO ISAGAWA.
MAY KANYA-KANYANG PANAHON AT PARAAN
PARA SA LAHAT NG BAGAY NGUNIT DI NATIN
ITO GANAP NA NALALAMAN.
WALANG MAKAPAGSASABI KUNG ANO ANG
MAAARING MANGYARI AT KUNG PAANO ITO
MAGAGANAP. KUNG PAANONG DI MAPIPIGIL
NG TAO ANG HANGIN, GAYON DIN HINDI
NIYA MAPIPIGIL ANG PAGDATING NG KAMATAYAN.
SA PANAHON NG DIGMAAN, WALANG MAPAGTATAGUAN;
HINDI TAYO MAKATATAKAS.
LAHAT NG ITO'Y NAKITA KO HABANG PINAGMAMASDAN
ANG MGA PANGYAYARI SA DAIGDIG, SA DAIGDIG NA ITONG
ANG IBA'Y MAY KAPANGYARIHAN, MALULUPIT AT ANG
MALILIIT AY API-APIHAN.

MAY NAKITA AKONG MASASAMANG TAONG INILIBING
NGUNIT PAG-UWI NG MGA NAKIPAGLIBING ANG MASAMANG
YAON AY PINUPURI SA LUGAR NA GINAWAN NIYA NG KASAMAAN.
ITO MAN AY WALANG KABULUHAN.

ANG HATOL SA KASAMAAN AY DI AGAD IGINAGAWAD
KAYA NAMAN ANG TAO'Y NAWIWILI SA PAGGAWA NG MASAMA.
KUNG SABAGAY, DAAN-DAAN MAN ANG KASAMAANG GAWIN
NG MASAMA AY WALA RING MAWAWALA SA TAONG NABUBUHAY
NANG MATUWID PAGKAT SIYA'Y MAY TAKOT SA DIOS.
NGUNIT ANG KASAMAAN NG MASAMA AY DI MAKABUBUTI
SA KANYA; MAAGA SILANG MAMAMATAY PAGKAT DI SILA
NATATAKOT SA DIOS.

NARITO PA ANG ISANG BAGAY NA MAHIRAP UNAWAIN
SA IBABAW NG LUPA: ANG DAPAT MANGYARI SA MASAMA
AY SA MABUTI NANGYAYARI AT YAONG DAPAT MANGYARI
SA MABUTI AY SA MASAMA NANGYAYARI.
ITO MAN AY WALANG KABULUHAN .
KAYA PARA SA AKIN, ANG TAO'Y DAPAT MAGPASASA
SA BUHAY. WALANG PINAKAMABUTI KUNDI KUMAIN,
UMINOM AT MAGSAYA. ITO AY MAGAGAWA NIYA
HABANG SIYA'Y NABUBUHAY AT GUMAGAWA SA
IBABAW NG LUPA.

HABANG INIISIP KO ANG MGA PANGYAYARI SA DAIGDIG,
LALO AKONG NANINIWALANG KAHIT MAG-IISIP ANG TAO
ARAW-GABI, HINDI NIYA MAUUNAWAAN ANG MGA GAWA
NG DIOS. KAHIT PAANO ANG GAWIN NIYANG PAG-IISIP,
HINDI NIYA MAUUNAWAAN. MAAARING IPALAGAY
NG MATALINO NA ALAM NIYA ANG BAGAY NA ITO
NGUNIT ANG TOTOO'Y WALA SIYANG NALALAMAN.

Wednesday, September 2, 2009

COMBATE SPIRITUAL

NABUKSAN ANG TEMPLO NG DIOS SA LANGIT,
AT NAKITA ANG KABAN NG TIPAN.
PAGKATAPOS AY GUMUHIT ANG KIDLAT.
DUMAGUNDONG ANG KULOG.
NARINIG ANG MALALAKAS NA INGAY,
LUMINDOL, AT UMULAN NG YELO.
KASUNOD NITO'Y LUMITAW ANG ISANG
KAGILA-GILALAS NA TANDA:
ISANG BABAING NARARAMTAN NG ARAW
AT NAKATUNTONG SA BUWAN;
ANG ULO NIYA'Y MAY CORONANG BINUBUO
NG DOSE ESTRELLA.
SA GALIT NG DRAGON, BINALINGAN NITO
ANG NALALABING LAHI NG BABAE UPANG DIGMAIN.
ITO ANG MGA TAONG SUMUSUNOD SA UTOS NG DIOS
AT NANANATILING TAPAT SA KATOTOHANANG
INIHAYAG NI HESUS.

KUNG KAYO'Y MAY PANDINIG, MAKINIG KAYO!
ANG SINUMANG ITAKDANG MABIHAG AY MABIBIHAG NGA;
ANG MATAKDANG MAMATAY SA TABAK AY SA TABAK MAMAMATAY.
KAYA'T KAILANGANG MAGPAKATATAG AT MANALIG ANG MGA
HINIRANG NG DIOS.

SAPILITANG PINATAKAN NG HALIMAW, SA KANANG KAMAY
O NOO, ANG LAHAT NG TAO - DAKILA AT ABA,
MAYAMAN AT MAHIRAP, ALIPIN AT MALAYA.
AT WALANG MAAARING MAGBILI O BUMILI MALIBAN NA MAY
TATAK NA PANGALAN NG HALIMAW O NG BILANG NA KATUMBAS NIYON.
KAILANGAN DITO ANG TALINO. MAAARING MALAMAN NG SINUMANG
MATALINO ANG KAHULUGAN NG BILANG NA KATUMBAS NG
PANGALAN NG HALIMAW, SAPAGKAT ITO'Y PANGALAN NG ISANG
LALAKI. ANG BILANG AY 666.

KAYA'T KAILANGANG MAGPAKATATAG ANG MGA HINIRANG
NG DIOS, ANG MGA SUMUSUNOD SA UTOS NG DIOS AT
NANANATILI SA PANANALIG KAY HESUS.

MULA NGAYON, MAPAPALAD ANG NAGLILINGKOD
SA PANGINOON HANGGANG KAMATAYAN!
"TUNAY NGA ," SABI NG BANAL NA SPIRITU.
"MAGPAPAHINGA NA SILA SA KANILANG
PAGPAPAGAL; SAPAGKAT SUSUNDAN SILA
NG KANILANG MGA GAWA."


CONSAGRACION A LA VIRGEN DE FATIMA

SANCTISIMA VIRGEN DE FATIMA MATER DEI Y MATER MIA:
COMO ME REGOCIJO EN SER TU ESCLAVO DE AMOR!
TE ENTREGO Y CONSAGRO MI CUERPO Y MIA ALMA CON
TODOS MIS BIENES EXTERIORES E INTERIORES NATURALES
Y SOBRENATURALES PASADOS PRESENTES Y FUTUROS.
MATER MIA! YO RENUNCIO A MI PROPIA VOLUNTAD
A MIS PECCADOS A MIS DISPOSICIONES E INTENCIONES:
QUIERO UNICAMENTE LO QUE TU QUIERES;
ME ARROJO EN TU PURISIMO CORAZON ABRASADO
DE AMOR PERFECTISIMO MOLDE AL QUE DEBO AJUSTARME;
EN EL ME ESCONDO Y ME ANONADO PARA ORAR OBRAR
Y SUFRIR SIEMPRE EN TI POR TI Y PARA TI A LA MAYOR
GLORIAM DE JESUCHRISTO TU DIVINO HIJO QUE VIVE
Y REINA CON EL PATER EN LA UNIDAD DEL SPIRITU SANCTO
Y ES DEUS POR LOS SIGLOS DE LOS SIGLOS. AMEN.


+ORACION+

SANCTA MARIA MATER DEI CONSERVAME
UN CORAZON DE NINO LIMPIO PURO
Y TRANSPARENTE COMO UN MANANTIAL:
DAME UN CORAZON SENCILLO QUE NO RUMIE
SUS TRISTEZAS:
UN CORAZON MAGNANIMO AL ENTREGARSE
TIERNO PARA LA COMPASSION UN CORAZON
FIEL Y GENEROSO QUE NO OLVIDE NINGUN
BIEN NI GUARDE RENCOR POR NINGUN MAL.
DAME UN CORAZON DULCE Y HUMILDE QUE
AME SIN ESPERAR NADA A CAMBIO GOZOSO
DE OLVIDARSE EN OTRO CORAZON DELANTE
DE TU HIJO JESUS. DAME UN CORAZON GRANDE
QUE NINGUNA INGRATITUD CIERRE Y NINGUNA
INDIFERENCIA CANSE:
UN CORAZON PREOCUPADO POR LA GLORIAM
DE JESUCRISTO HERIDO DE SU AMOR CON UNA
LLAGA QUE SOLO CIERRA EN LA ETERNIDAD.
MARIA HAZME UN CORAZON HUMILDE Y MISERECORDIOSO
COMO EL DE TU HIJO JESUS. AMEN.

+ORATIO FATIMA+

DOMINE JESU DIMITTE NOBIS DEBITA NOSTRA
SALVA NOS AB IGNE INFERIORI PERDUC IN
CELUM OMNES ANIMAS PRAESERTIM EAS
QUAE MISERICORDIAE TUAE MAXIME INDIGENT. AMEN.



PANAGHOY 5

+DALANGING PAGHINGI NG AWA+

GUNITAIN MO YHWH ANG NANGYARI SA AMIN;
MALASIN MO ANG SINAPIT NAMING KAHIHIYAN!
ANG AMING MANA'Y IBINIGAY SA MGA DAYUHAN,
AT ANG AMING MGA TAHANAN NAMA'Y IPINAGKALOOB
SA MGA TAGA-IBANG BAYAN.
ANG AMING MGA AMA'Y PINATAY NG MGA KAAWAY;
KAYA BALO ANG AMING MGA INA.
KAILANGANG BAYARAN NAMIN ANG TUBIG NA AMING
IINUMIN, PATI ANG PANGGATONG AY AMING BINIBILI.
PINAGTRABAHO KAMING PARANG MGA HAYOP,
HINDI MAN LANG PINAGPAHINGA;
PARA MAGKAROON NG SAPAT NA PAGKAIN,
AY HALOS MAGPALIMOS KAMI SA EGYPTO AT ASIRIA.
NAGKASALA ANG AMING MGA MAGULANG.
AT NGAYONG WALA NA SILA AY KAMI ANG NAGDURUSA.
MGA ALIPINANG NAMAMAHALA SA AMIN;
WALANG MAKAPAGLIGTAS SA AMIN MULA SA KANILANG
MGA KAMAY. NALALAGAY SA PANGANIB ANG AMING BUHAY
SA PAGHAHANAP NG MAKAKAIN, DAHIL SA AMING MGA KAAWAY.
DAHIL SA MATINDING GUTOM, NAG-AAPOY ANG AMING KATAWAN,
PARA KAMING NAKALAGAY SA PUGON.
ANG AMING MGA MAYBAHAY AY GINAHASA SA SION,
ANG MGA DALAGA'Y PINAGSASAMANTALAHAN SA MGA BAYAN
NG JUDA.GINAGAPOS AT BINIBITIN ANG MGA PINUNO;
HINDI NA PINAKUKUNDANGANAN ANG MATATANDA.
ANG MGA KABATAANG LALAKI'Y PINAGIGILING NA PARANG ALIPIN,
NAKUKUBA SA PASAN NILANG KAHOY ANG MGA BATANG LALAKI.
AYAW NANG MAGPULONG ANG MATATANDA NG BAYAN,
AYAW NANG TUMUGTOG NG MGA KABATAAN.
NAPARAM SA KAGALAKAN ANG AMING PUSO;
ANG AMING PAGSASAYA AY NAGING PAGDADALAMHATI.
WALANG NALALABI SA AMING IPINAGMAMALAKI;
TAYO'Y NAGKASALA AT NGAYO'Y NAGDURUSA!
NANLUPAYPAY KAMI, AT NAGSILIM ANG AMING PANINGIN.
PAGKAT INIWAN NG TAO ANG BUNDOK NG SION,
MGA ASONG-GUBAT NA LAMANG ANG NANINIRAHAN DOON.
NGUNIT IKAW, O YHWH, ANG HARI MAGPAKAILANMAN,
NANANATILI SA LAHAT NG SALINLAHI ANG IYONG LUKLUKAN.
KAY TAGAL MO KAMING PINABAYAAN, KAILAN MO KAMI
AALALAHANIN ULI?
IBALIK MO KAMI SA DATING KAUGNAYAN SA IYO!
TALAGA BANG ITINAKWIL MO NA KAMI?
SUKDULAN NA BANG TALAGA ANG GALIT MO SA AMIN?

DEUTERONOMIO 18:15-22

+ANG DIOS AY MAGPAPADALA NG MGA PROPHETA+

MULA SA INYO, PIPILI SI YHWH NG PROPHETANG TULAD KO,
SIYA ANG INYONG PAKIKINGGAN.
ITO'Y KATUGUNAN SA HILING NINYO KAY YHWH NANG KAYO'Y
NAGKAKATIPON SA HOREB.
ANG SABI NINYO, 'HUWAG MO NANG IPARINIG ULI SA AMIN
ANG TINIG NI YHWH NI IPAKITA PA ANG KAKILA-KILABOT
NA APOY NA ITO PAGKAT TIYAK NA MAMAMATAY KAMI.'
SINABI NAMAN NIYA SA AKIN, 'TAMA ANG SABI NILA,
KAYA PIPILI AKO NG PROPHETANG TULAD MO. SA KANYA KO
IPASASABI ANG IBIG KONG SABIHIN SA KANILA.
SINUMANG HINDI MAKINIG SA KANYA AY MANANAGOT SA AKIN.
NGUNIT TIYAK NA MAMAMATAY ANG PROPHETANG MANGANGAHAS
MAGSALITA SA PANGALAN KO NANG HINDI KO PINAHIHINTULUTAN
O MAGSALITA SA PANGALAN NG ALINMANG DIOS-DIOSAN.'
UPANG MATIYAK NINYO KUNG ANG SINABI NG PROPHETA AY GALING
KAY YHWH O HINDI, ITO ANG PALATANDAAN:
KAPAG HINDI NANGYARI O NAGKATOTOO ANG SINABI NIYA,
YAON AY HINDI MULA KAY YHWH; SARILI NIYANG KATHA IYON.
HUWAG NINYO SIYANG PAPANSININ.