+PAYO SA MGA KABATAANG LALAKI+
ANG PAGKATAKOT KAY YHWH AY PASIMULA NG KARUNUNGAN,
NGUNIT WALANG HALAGA SA MGA MANGMANG ANG ARAL AT
MGA SAWAY. ANAK KO, DINGGIN MO ANG ARAL NG IYONG AMA
AT HUWAG IPAGWALANG BAHALA ANG TURO NG IYONG INA,
PAGKAT ANG MGA YAO'Y PUTONG MONG UBOD GANDA,
KUWINTAS NG KARANGALAN, SAKDAL DIKIT AT WALANG KAPARA.
AKING ANAK, SAKALI MANG AKITIN KA NG MASAMA, HUWAG KANG
PAAAKAY, SILA'Y IYONG TANGGIHAN NGA.
KUNG SABIHIN NILANG, "HALIKA'T TAYO AY MAG-ABANG, BILANG
KATUWAA'Y DALUHUNGIN ANG MGA WALANG MALAY.
SILA'Y ATING DUDUMUGI'T WALANG AWANG PAPATAYIN, AT SILA
AY MATUTULAD SA PATAY NA ILILIBING.
ATING SASAMSAMIN ANG LAHAT NILANG KAGAMITAN,
BAHAY NATI'Y MAPUPUNO NG MALAKING KAYAMANAN.
HALIKA AT SA AMIN IKAW NGA AY SUMAMA, LAHAT NG
MASASAMSAM, BIBIGYAN ANG BAWAT ISA."
AKING ANAK, SA KANILA AY IWASAN MONG MAKISAMA,
UMIBA KA NG LANDAS MO, PAPALAYO SA KANILA.
ANG LAGI NILANG HANGAD, GUMAWA NG KASAMAAN,
SA TUWINA ANG BISIG AY NAKAHANDA SA PAGPATAY.
SA PAG-UUMANG NG BITAG AY WALANG MANGYAYARI,
KUNG NAKIKITA NG IBON NA IBIG MONG MAHULI.
NGUNIT HINDI NALALAMAN NG GAYONG MGA TAO,
BITAG NILA ANG SISILO SA SARILI NILANG ULO.
GANYAN ANG UUWIAN NG NABUBUHAY SA KARAHASAN,
SA GANYAN NGA MAGWAWAKAS ANG MASAMANG PAMUMUHAY.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment