Wednesday, September 16, 2009

PROPHETA ISIAS 11

+ANG MAPAYAPANG KAHARIAN+

ANG PAGHAHARI NG ANGKAN NI DAVID AY NALAGOT
NA PARANG PUNONGKAHOY NA NAPUTOL. NGUNIT SA
LAHI NIYA'Y LILITAW ANG ISANG HARI, TULAD NG
SUPLING MULA SA ISANG TUOD. MANANAHAN SA KANYA
ANG SPIRITU NI YHWH, BIBIGYAN SIYA NG KATALINUHAN
AT PAGKAUNAWA, NG KAALAMAN AT KAPANGYARIHAN,
NG KARUNUNGAN AT TAKOT SA PANGINOON.
KAGALAKAN NIYA ANG TUMALIMA KAY YHWH.
HINDI SIYA HAHATOL AYON SA NAKIKITA O BATAY SA
NARINIG SA IBA. BIBIGYAN NIYA NG KATARUNGAN
ANG MGA DUKHA, IPAGTATANGGOL ANG KARAPATAN NG
MGA KAWAWA. ANG SALITA NIYA'Y PARANG TUNGKOD
NA IPAPALO SA MALULUPIT, ANG HATOL NIYA'Y KAMATAYAN
SA MASASAMA. KATARUNGAN AT KATAPATAN ANG PAIIRALIN
NIYA SA KANYANG PAMAMAHALA.
MANINIRAHAN ANG ASONG-GUBAT SA PILING NG KORDERO,
MATUTULOG ANG LEOPARDO SA TABI NG BATANG KAMBING,
MAGSASAMA ANG GUYA AT ANG BATANG LEON, AT ANG MAG-
AALAGA SA KANILA'Y BATANG PASLIT. ANG BAKA AT ANG
OSO'Y MAGKASAMANG MANGINGINAIN, ANG MGA ANAK
NILA'Y MAGKAKATABING MATUTULOG, KAKAIN NG DAMO
ANG LEON NA ANIMO'Y TORO. MAGLALARO ANG BATANG
PASUSUHIN SA TABI NG LUNGGA NG AHAS, HINDI MAAANO
ANG BATA KAHIT LARUIN ANG ULUPONG.
WALANG MANANAKIT O MAMIMINSALA SA NASASAKLAW
NG BANAL NA BUNDOK; SAPAGKAT KUNG PAANONG PUNO
NG TUBIG ANG KARAGATAN, LAGANAP SA BUONG LUPAIN
ANG PAGKILALA KAY YHWH.
SA ARAW NA IYON, ISISILANG ANG HARI MULA SA LAHI
NI DAVID, ANG MAGIGING PALATANDAAN PARA SA MGA
BANSA. ANG MGA BAYA'Y TUTUNGO SA BANAL NA LUNSOD
UPANG PARANGALAN SIYA. SA ARAW NA IYON, MINSAN
PANG KIKILOS ANG PANGINOON UPANG PAUWIIN ANG
MGA NALABI SA KANYANG BAYAN, ANG MGA NALABI SA
MGA BIHAG NA NASA ASIRIA AT SA EGYPTO, SA PATROS,
SA ETHIOPIA AT SA ELAM, SA SINAR, SA HAMAT AT SA
MGA PULO SA KARAGATAN. MAGBIBIGAY SIYA NG ISANG
PALATANDAAN SA MGA BANSA, AT TITIPUNIN NIYA ANG
MGA ANAK NINA ISRAEL AT JUDA NA ITINAPON SA IBANG
LUPAIN. PAUUWIIN ANG MGA NANGALAT NA ANAK NI JUDA
MULA SA APAT NA SULOK NG DAIGDIG. MAPAPAWI NA ANG
PANANAGHILI NG ISRAEL AT MAPUPUKSA ANG MGA
KAAWAY NG JUDA, HINDI NA MAIINGIT ANG ISRAEL SA
JUDA, AT HINDI NA KAKALABANIN NG JUDA ANG ISRAEL.
LULUSUBIN NILA ANG MGA PHILISTEO SA KANLURAN
AT SAMA-SAMA NILANG SASAMSAMAN ANG MGA BANSA
SA SILANGAN; MASASAKOP NILA ANG EDOM AT MOAB,
PASUSUKUIN NILA ANG MGA AMMONITA.
TUTUYUIN NI YHWH ANG DAGAT NG EGYPTO SA PAMAMAGITAN
NG MATINDING INIT. ANG MATITIRA LANG AY PITONG
MALILIIT NA SAPA NA MATATAWID NG MGA TAO.
SA GAYON MAY DARAAN MULA SA ASIRIA ANG MGA NATIRA
SA KANYANG BAYAN, KUNG PAANONG ANG ISRAEL AY
MAY NADAANAN NANG SILA'Y UMALIS SA EGYPTO.

No comments:

Post a Comment