Wednesday, September 16, 2009

ROMA 6:3-4, 6-11

+PATAY SA KASALANAN NGUNIT BUHAY DAHIL KAY KRISTO+

HINDI BA NINYO NALALAMAN NA TAYONG LAHAT NA
NABAUTISMUHAN KAY KRISTO HESUS AY NABAUTISMUHAN
SA KANYANG KAMATAYAN?
SAMAKATWID, TAYO'Y NAMATAY AT NALIBING NA KASAMA
NIYA SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO UPANG KUNG
PAANONG BINUHAY NA MULI SI KRISTO SA PAMAMAGITAN
NG DAKILANG KAPANGYARIHAN NG AMA, TAYO NAMA'Y
MABUHAY SA ISANG BAGONG PAMUMUHAY.

ALAM NATIN NA ANG DATI NATING PAGKATAO AY IPINAKONG
KASAMA NIYA UPANG MAMATAY ANG MAKASALANANG
KATAWAN AT NANG HINDI NA TAYO MAALIPIN PA NG
KASALANAN. NGUNIT TAYO'Y NANINIWALANG MABUBUHAY
TAYONG KASAMA NI KRISTO KUNG NAMATAY TAYONG
KASAMA NIYA. ALAM NATING SI KRISTO NA MULING
BINUHAY AY HINDI NA MULING MAMAMATAY.
WALA NANG KAPANGYARIHAN SA KANYA ANG KAMATAYAN.
NANG SIYA'Y MAMATAY, NAMATAY SIYA NANG MINSANAN
PARA SA KASALANAN, AT ANG BUHAY NIYA NGAYO'Y
PARA SA DIOS. KAYA DAPAT NINYONG IBILANG ANG INYONG
SARILI NA PATAY NA SA KASALANAN DATAPWAT BUHAY
NAMAN PARA SA DIOS SA INYONG PAKIKIPAG-ISA KAY KRISTO HESUS.

No comments:

Post a Comment