Friday, August 14, 2009

ANG SULAT NI JUDAS THADDEUS

+IKA-1 KABANATA+

TUNGKOL SA BULAANG TAGAPAGTURO: SI JUDAS NA LINGKOD NI JESUKRISTO
AT KAPATID NI SANTIAGO SA MGA TINAWAG NA MAHAL SA DIOS AMA AT INI-
INGATAN ALANG-ALANG KAY JESUKRISTO: SUMAGANA SA INYO ANG AWA,
KAPAYAPAAN, AT PAG-IBIG.
MGA MINAMAHAL DALA NG MARUBDOB NA HANGARING SUMULAT SA INYO
TUNGKOL SA IKALILIGTAS NATING LAHAT NAPILITAN AKONG SUMULAT SA
INYO UPANG HIYAKATING MAGMALASAKIT ALANG-ALANG SA
PANANAMPALATAYA NA IBINIGAY NA MINSAN AT MAGPAKAILANMAN SA
MGA BANAL. SAPAGKAT MAY ILANG TAONG LIHIM NA NAGSIPASOK NA
MULA PA NOONG UNA AY NALALAAN NA SA KAPARUSAHANG ITO
MGA TAMPALASAN NA ANG BIYAYA NG ATING DIOS AY GINAGAMIT SA
MASAMA AT ITINATATUWA ANG ATING KAISA-ISANG PUNO AT PANGINOON
NA SI JESUKRISTO.
IBIG KO LAMANG IPAALALA SA INYO BAGAY NA INYONG NALALAMAN ANG
LAHAT NA MATAPOS ILIGTAS NG PANGINOON ANG BAYAN SA LUPAING
EGYPTO NILIPOL NIYA ANG MGA DI SUMASAMPALATAYA.
AT ANG MGA ANGELES NA HINDI NANATILI SA KANILANG KARANGALAN
AT TUMALIKOD SA SARILI NILANG TIRAHAN AY IKINULONG NA NAKATALI
SA MGA WALANG HANGGANG PANGAW SA PUSOD NG KADILIMAN HANGGANG
SA ARAW NG PAGHUHUKOM. GAYON DIN ANG SODOMA AT GOMMORA AT ANG
MGA KALAPIT NA LUNSOD NA NAGUMON SA KAHALAYAN AT SA NAKAHIHIYANG
MGA KASALANAN SA LAMAN AY IBINIBIGAY NA HALIMBAWA SA PAGPAPARUSA
NG APOY NA WALANG HANGGAN.
GAYON DIN NAMAN DINUDUNGISAN NG MGA TAONG ITO ANG KATAWAN SA
KANILANG MGA PANGARAP HINAHAMAK ANG KAPANGYARIHAN AT NILALAIT
ANG MGA KARANGALAN. SUBALIT NANG MAKIPAGTALO ANG ARCANGEL NA SI
MICAEL KAY LUCIFER TUNGKOL SA KATAWAN NI MOISES AY HINDI NANGAHAS
TUMULIGSA SA KANYA AT SA HALIP AY KANYANG SINABI ITO: "SAWAYIN KA NAWA
NI YHWH."
NGUNIT NILALAIT NG MGA TAONG ITO ANG HINDI NILA NAUUNAWAAN AT
NAGPAPAKASIRA SA BAGAY NA LIKAS NILANG NALALAMAN GAYA NG MGA
MGA HAYOP NA WALANG PAG-IISIP.
SAWIMPALAD SILA SAPAGKAT SINUNOD NILA ANG DAAN NI CAIN AT NAPADALA
SA KAMALIAN NI BALAAM DAHIL SA PAKINABANG AT NAPAHAMAK DAHIL SA
PAGHIHIMAGSIK NI CORE!
SILA ANG NAGBIBIGAY NG KAPINTASAN SA INYONG MGA PIGING KUNG WALANG
WALANG PITAGANG NAKIKISALO SILA NAGPAPASASA LAMANG SA SARILI:
MGA ULAP NA WALANG TUBIG NA TINATANGAY NG HANGIN; MGA PUNUNGKAHOY
NA BINUNOT PATI UGAT; MGA DALUYONG SA DAGAT NA ANG BULA AY ANG
SARILING KAHIHIYAN; MGA LIGAW NA TALA NA NAKALAAN SA PUSIKIT NA DILIM
MAGPAKAILANMAN.
SILA RIN ANG HINULAAN NI ENOCH ANG IKA-PITONG SALINLAHI MULA KAY ADAM
NOONG SABIHIN NIYA: "TINGNAN NINYO DUMATING NA ANG PANGINOON NA
KASAMA ANG LIBU-LIBONG MGA BANAL UPANG HUKUMAN ANG LAHAT AT
SUMBATAN ANG LAHAT NG MGA TAMPALASAN SA LAHAT NILANG
KABUKTUTANG GINAWA AT ANG MGA MAKASALANAN DAHIL SA LAHAT NILANG
MGA PAGLAPASTANGAN SA KANYA."
ANG MGA TAONG ITO AY MAPANIRANG-PURI, MAPAGDAING, NABUBUHAY SA
MASASAMANG PITA NG LAMAN, MALALABIS MAGYABANG, NAGPUPURI NANG
PAKUTYA SA SARILING PAKINABANG.
SUBALIT MGA MINAMAHAL ALALAHANIN SANA NINYO ANG MGA PANANALITANG
SINABI NOONG UNA NG MGA APOSTOLES NG ATING PANGINOONG JESUKRISTO
NA NAGWIWIKA SA INYO NA SA HULING PANAHON AY MAGSISILITAW ANG MGA
MANLILIBAK NA NAGUGUMON SA MASASAMANG PITA NG LAMAN UDYOK NG
KANILANG KATAMPALASANAN. ITO ANG MGA TAONG LUMILIKHA NG MGA
PAGKAKAHATI-HATI, DAYUKDOK, SALAT SA SPIRITU.
NGUNIT KAYO MGA MINAMAHAL MAGPAKATATAG KAYO SA INYONG NAPAKA-
BANAL NA PANANAMPALATAYA; DUMALANGIN KAYO SA SPIRITU SANTO;
INGATAN NINYO ANG SARILI SA PAG-IBIG NG DIOS, NAKAHANDANG TUMANGGAP
NG AWA NG ATING PANGINOONG JESUKRISTO TUNGO SA BUHAY NA WALANG
HANGGAN. ANG ILANG NAG-AALINLANGAN AY PALAKASIN ANG LOOB;
ANG IBA NAMAN AY ILIGTAS AT HANGUIN SA APOY; ANG IBA AY KAHABAGAN
NA MAY TAKOT NA UMIILAG MAGING SA DAMIT NA NADUNGISAN NG KAHALAYAN.
SA KANYA NA KAYA KAYONG INGATAN NA WALANG KASALANAN AT IHARAP
KAYONG MALINIS SA KANYANG KALWALHATIAN AT KASAYAHAN, SA IISANG DIOS
NA TAGAPAGLIGTAS NATIN SA PAMAMAGITAN NI JESIKRISTO NA ATING PANGINOON
IUKOL ANG KALWALHATIAN, KARANGALAN, LAKAS AT KAPANGYARIHAN
BUHAT SA MULA'T MULA PA, NGAYON AT MAGPAKAILANMAN AT MAGPASAWALANG
HANGGAN. AMEN.

No comments:

Post a Comment